Posted by: kidlatanvillage | December 15, 2008

Senator Mar Roxas and his Outrage Against Cha-cha (“Putang ina” ano ba iyan?”

For some years, I stayed and worked with the government in one of the oldest cities in Northern Luzon. It was formerly called Ciudad Fernandina, now Vigan City, Ilocos Sur. Over the years I learned the distinct culture of the place, the language, and the way people communicate with a semblance of Spanish arrogance, assertive, comical, and yes the utterance of a bad word everytime one ends up his/her statement.

It then became customary on my part to say “yot de puta or okinnam” (son of bitch), balangkantis (slut), “letiogas” (sucker), “sinal-it” (struck by the lightning), “sumayet” (dirty and itchy woman),etc. Like any ordinary guy in Vigan during those days, speaking bad words was nothing, a mere accent of the tongue as they say. Jokingly my friends would say, you’re not from Vigan if you don’t speak badwords. Jestingly I told them, “yot nina yo”. In anger and jubilation many people in Vigan speak bad words to complete a statement?  I did it many times; my friends and co-workers, and even my former students heard me speaking bad words the way they do it.

When I married Tisay, among the causes of our misunderstanding and endless arguments was my speaking of bad words specially when I got mad. Among the objects and targets of my bad words are unruly pedestrians, undisciplined and reckless drivers, arrogant people (especially those serving in the government), and individuals who lack common sense. But over the years Tisay trimmed down my arrogance and passion for speaking bad words.

But am I the only one who has spoken bad words? I believe speaking bad words is part of the Filipino culture. You may disagree with me but this is my observation as I traveled around the Philippines. While drinking with my friends, sharing stories and unforgettable experiences is always presided with a phrase, “putang ina,” “anak ng puta,” punyeta, etc. I don’t know how true it is but historians and sociologists call this practice as a “pamana” or part of our cultural heritage from the Spaniards. And what about the Americans, or even the Japanese who once colonized and occupied our country? My late father who was a World War 2 veteran used to tell us how Filipino soldiers respected President Manuel L. Quezon during his time, and feared him when he was mad and uttered the word “punyeta.”

Even Senator Mar Roxas spoke bad words (who is not among the politicians?) in front of thousands of people who joined the anti cha-cha rally in Makati last Friday. While he apologized for saying it, he explained that he did it as an expression of the sentiments of the general public against corruption in the government and the administration’s evil design for charter change. Of course he said it out of outrage. And no matter what his detractors say for his action, I believe his speaking a bad word was timely. This is the only way how to communicate to people in power, who probably already lost their “sense of propriety” as Colegiala girl said in her blog, who ignore public opinion and trample upon existing norms to pursue their political ambitions and interests.

Putang ina,” sums up Roxas’s disappointment on the way the House of Representatives is trying to mess up with the Constitution and amend it unilaterally to prolong President’s Arroyo stay in power. Malacanang however did not comment against Roxas’s statement. Secretary Dureza said it’s up for the public to judge the action and statement of the Senator during the anti cha-cha rally in Makati last Friday. Some say it is uncalled for, but others just shrug it off saying he could have said more…

Putang Ina,” ano ba iyan?

Sa pagsasabi (o pagmumura) ng “putang ina” ano daw (o sino kaya) ang tinutukoy dito ni Senador Mar Roxas. Iyong cha-cha, o iyong mga nagsusulong nito? Ika nga makahulungan ang salitang ito dahil maaring tao, iyong isinusulong/o nagpapasulong nito ang object ng pagmumura. Maari ding iyong insititusyon na ginagamit/o nagpapagamit para isulong ang charter change.

P…ina, ano ba ang masama sa charter change? Sa totoo lang wala. Ngunit P…ina, iyong panggugulang o pambabrasong ginagawa ay masama. P…ina wala na nga ba tayong galang na sa Saligang Batas. Ang sabi nga ng iba, “ang lagay basta-basta na lang ba tayong winawalang-hiya nang mga pulitiko?” Ang sa akin lang naman, bakit kasi hinayaan na lang natin na bina-bale wala tayo ng mga nasa kapangyarihan?

“Presidentiable” pa lang si Senador Roxas, ngunit pormang palaban ang pulitikong ito. Seryoso ang dating, walang sinasanto, at nagmumura kung kinakailangan upang maipagtanggol lang ang kapakanan ng bayan. Ano pa kaya kung naging presidente na siya, masusumpungan kaya sa kanya ang katauhan ng isang “nagmumurang presidente?” Ewan ko sa inyo, siguro sa panahong ito kailangan natin nang isang seryosong tao, a no nonsense politician who will occupy the highest position in the land.

Hindi ko sinasabing kay Mar Roxas ako. Isa lang ako sa mga libo-libong tagahanga ni Korina Sanches.


Responses

  1. Pasensiya na po, hindi kami nagmumura dito, nagkukuwento lang kami tungkol sa pagmumura, hehehe.

  2. Ah, now I’m taking notice of Mar Roxas. If he continued to make murang malutong to puta mama Glue, and make more efforts to face-off with the bitch…I might look at him even more.

    Actually, I’d like a “nagmumurang (cursing) presidente”, pero dapat ay presidenteng hindi peke!

    His pagmumura on the stage was, in my opinion, directed to Gloria and his amuyongs. Sino pa ba ang mumurahin kundi yung nagpapahirap sa bayan, alangan namang young proseso ng cha-cha ang pagdiskitahan.

    Way to go Mar!

  3. May bagong pelikula si Ai-Ai, ang pamagat: Tanging Ina Ninyong Lahat! Kung bibilisan natin ang pagbigkas, parang nagmumura. Mabuti nakalusot sa MTRCB.

    Yung pagputang ina ni Mar Roxas, parang kwitis lang yan kumpara sa pagmumura sa mga kampanyahan na kapag walang bomba, hindi oragon. Nagkataong fully covered ng media kaya lumaki ang istorya. Katulad ng sinabi ni Manay Chi sa itaas, medyo napansin si Mar ngayon dahil marunong palang mag f..u! Ang perception kasi ng marami, isa syang miembro ng federacion kung kaya sa age nya ngayon, kahit ka-on si Korina, hindi pa siya nag-aasawa.

  4. Alam ni Mar Roxas ang kalakaran sa Philippine politics. Hindi pwede na totoy ang arrive mo sa madlang pipol. Kailangan pa-macho at handang makipag-away. Mas tanggap ng mga botante ang may pagka barumbado, kung sa ligawan, kahit hindi guapo, pero medyo bastos. Tanggap na ang maraming chicks o waswit basta like Erap.

    At sa sitwasyon ngayon, kapag ikaw ay nasa entablado sa harap ng marami tao, may ngingit na nasa iyong kalooban, hindi mo maiisipan na sabihin tungkol sa cha-cha na: Omigosh… Hindi pwedeng malamya, kailangan sa bawat sentence, may exclamation point!

  5. Palibhasa taga Quezon tayo, at mabuting balita, nanalo ang NO sa plebisito noong Dec. 13 na hatiin ang probinsya sa dalawa. Isa tayo na nanindigan na may legal infirmities ang batas tungkol sa Quezon division at sa pamamagitan ng ating website, marami tayong nakumbinsi to vote NO.

    Tama si Kapitan K na si Quezon, ayon sa mga kwento, grabeng magmura. Noon, asar sya sa press people dahil binabanatan sya. One day, isang araw, may isang parish priest na may appointment na makipagkita sa kanya at kaagad pumasok sa office nya ang isang aide at ang sabi: Mr. President, Sir, the priest who wants to see you is outside.

    Nagka-riringgan si Quezon at ang akala nya, it’s the press people wanting to see him. Ang sigaw nya at narinig ng pari: Tell the press to go to hell!

  6. Yung pagmumura ni Mar ay wala sa katiting sa pagiging tactless ni da gloria. Ilang beses nang nangyayari kung paano hiyain ni da gloria ang isang government official sa harap ng maraming tao kapag mayroon siyang hindi nagustuhan. Alam ni Mar Roxas ang masamang ugali ni da gloria dahil dati silang magkasama kung kaya siguro naisipan nyang panahon na para sabihing marunong din syang magmura.

  7. May kanya-kanyang style ng pagmumura. Maririnig natin sa mga hard hitting radio commentators, columnists at siempre, tuwing may election campaign dahil kapag walang mga bombastic at ballistic statements, walang kulay ang miting sa plaza.

    Mayroong diretsang magmura, ang puti ay puti at ang pula ay pula. Hindi takot mahabla ng libelo.

    Mayroong ang sarili nila ang minumura sa pagsasabing, putang ina ko, gago ako, stupid ako, etc. etc. Takot mahabla ng libelo.

    Pero ang mas nakakatawa ang pagmumura ni Damian Sotto. Sa kanyang radio program, ang banat nya: Hindi ko sinasabing putang ina mo! Sinabi ko bang putang-ina mo? Hindi ko sinasabing gago ka! Bakit, sinabi ko bang gago ka?

  8. Excerpts sa kolum ni Anthony Taberna sa Abante Tonite:

    Bale apat ang opisyal na tagapagsalita ngayon ni Ginang Arroyo — sina Press Secretary Jesus Dureza, Executive Secretary Eduardo Ermita bilang Presidential spokesman at ang dalawa niyang Deputies na si Lorelei Fajardo at Anthony Golez.

    Paano kaya ang sistema? Bago ba sila makapagsalita sa publiko kailangan munang makipag-ugnay kay Pangulong Arroyo? O bahala na sila sa buhay nila, kahit magalusan ‘wag lang ang Presidente ang masusugatan?

    Sa kanilang apat, pinakamadalas masermunan ang mga Deputies na sina Lorelei at tukayong Anthony.

    Minsan nga, binoldyak ng Pangulo sa harap ng gabinete si Lore-LIE dahil gulpi na sa kontrobersya ang Palas­yo, hindi pa raw ito nagkukusa upang sa media ay magtrabaho.
    Mangangatwiran pa sana si Fajardo, dating mayor ng Palayan Cty, Nueva Ecija, na hindi niya batid kung ano ang damdamin ng Pangulo pero bago matapos ang kanyang pangungusap, sermon katakut-takot na ang inabot nito!
    Kaya ngayon, kung marinig man natin ang palaban at kung minsan ay halatang pagsisinungaling ni Lore-Lie, isisi ninyo ito sa kanyang amo at huwag sa lahing Novo Ecijano!

  9. Habang binabasa ko itong column ni Ernie Maceda sa Tribune, napa putang-ina ako. Aywan ko kung hindi rin ganun ang maging reaction nyo lalo na sa item no. 2:

    If the proposed Nograles-Villafuerte-Arroyo Constituent Assembly is convened in 2009, expect the following:

    1. The 2010 elections will be postponed by at least one year, maybe even 2 or 3 depending on how long the new term of office of congressmen and local elective officials will be.

    2. The term of office of GMA will be extended.

    3. The Senate will be abolished, whether a parliamentary system of government, or a unicameral presidential system or a new hybrid is established.

    4. The term or length of office of congressmen will be lengthened. I believe it will be 2 years at least or 5 years from the present 3.

    5. Term limits will be removed. I predict it will be for all elective positions.

    6. The number of congressmen or members of parliament will be increased.

    7. The economic provisions will be changed to allow foreigners to own land and to invest in any area, including public utilities and media.

    8. The prohibition against establishment of foreign bases will be removed. The United States will be pushing this.

    9. The prohibition against nuclear power will also be abolished.

    10.The Judicial and Bar Council will be abolished and the confirmation of appointments to be done by a new body coming from the legislative.

    11.The tax exemption of religious organizations will be reviewed and amended.

    12.The provision in the AFP being the protectors of the people will be deleted.

    13.The age requirement for candidates for elective offices will be changed, probably downwards.

    14.The retirement age for justices and judges will be lengthened to at least 70. The Supreme Court may be enlarged.

    15.The supervision and control over the police will be returned to local government units.

    16.Several changes will be made in the provision of the Commission on Elections.

    17.Since the convening of the Con-ass will be a victory for GMA and her allies, expect the powers of the President or Prime Minister will be enlarged.

    18.Impeachment procedure will be made more difficult to achieve. The one third requirement to give the impeachment due course will probably be increased to majority of members of the House or Parliament.

    Most of these amendments/revisions will not pass in a constitutional convention. That’s why they are pushing Con-ass.

  10. Mareng Chi at Pareng Joe,
    Talagang “mapapa-putang ina ka” sa ganyang sistema ng mga nagsusulong ng Con-ass. Halatang may pinapaboran dito, sino pa nga ba kung hindi iyong naghahangad ng extinction, I mean extension of term, hehehe. Mahiram nga ang pagmumura ni MLQ, punyeta!

  11. Iyang si Damian Sotto ay nakaharap na ni Macoy noong araw. Ito ay kuwento mismo daw ng nasirang beteranong komentarista sa radyo. Ito ang takbo ng kuwento pagkatapos daw ipatawag ni Macoy si mang Damian sa Malacanang:
    Macoy: Totoo bang sinabi mong gago at tarantado ako?
    D Sotto: Opo, pero pakinggan muna ninyo ako. Ang sinabi ko ay kung ginawa ninyo talaga ang mga…… bagay na iyan ay kabilang kayo so mga gago, ulol at tarandtado. Ang tanong ginawa po ba ninyo ang mga paratang na iyon?
    Macoy: (walang pagaatubiling sumagot) HINDI
    D. Sotto: Ayon, hindi naman pala! E, di hindi po pala kayo gago at tarandtado.
    Macoy: Kung ganon wala naman pala tayong dapat pagusapan. Makakaalis ka na.

    Pareng Joe, paborito naming pinapakinggan at ginagaya iyang sa Mang Damian Sotto noong nagaaral pa kami sa Kolehiyo, hehehe.

  12. Mabuti na lang at “NO” ang nanalo pareng Joe sa plibisito. Hindi ako taga Quezon pero isa ako sa mga hindi rin kombinsido na dapat ay gawing dalawang probinsiya ito.
    Hindi ninyo naitatanong pero malapit po ang puso ko sa Quezon dahil sa isang matamis at makulay na nakaraan sa walang kapantay na pagmamahal na inukol ng isang maganda, mayumi, at napakabait na binibini. Ngunit sobrang mapagbiro yata ang tadhana, iniwang sugatan at luhaan ang aking puso ng matagal-tagal ding panahon… Ayaw ko nang sariwain baka putulan pa ako ni Tisay ng kaligayahan. At least naghilom na ang sugat at wala ng balantukan pa, hehehe.

  13. hahaha… di naman galit si mar roxas niyan ano?

    an initial reaction can be the best explanation for that… galing sa puso yun… haha! tagos!

  14. Tagus sa puso, sapol ang mga taga Malakanyang at kaalyado nila? Ganon ba iyon mare, hahahayyyyyyy! P… inang buhay ito kala kasi ng mga ibang pulitiko, tanga at gago ang mga Pilipino. Tang…ina ninyo hindi!

  15. Hehehe, masarap palang makipagmurahan dito. Mukhang macho ang datin ni Senator Roxas. Parang gusto kung agawin siya kay Korina, hehehe.

  16. Kap,
    Nakarating na rin ako sa Vigan. Hindi lang ang bagnet nila ang malutong doo pati pagmumura. Wem mekeyt, de puta, hehehe.
    Tama ka pampasarap ng kanilang sinanglaw at longganiza ang pagmumura, hehe. Pero it’s a nice place and I have a lot of friends there, ang iba sa kanila ay mga negosyanteng chinoy.

  17. Kung narinig ninyong nagmura si Mr. Palengke dapat ay makita ninyo rin na nagpapadede si Wonder Woman. Pasyal lang kayo sa Hardin ni Segundina. http://segundina.wordpress.com

  18. May pmaskong regalo ako para kay Manay Chi galing ng China, reversible panty. Kaya lang may kaunting deperensiya. Kapag iyong may kaunting punit na side and ginamit mo, lahat ng makakatabi mong lalaki ay titigasan. Pero kapag iyong side na walang punit ang ginamit mo, ikaw ang maninigas, hehehe.
    Kung ayaw mo iregalo mo lang kay tita Glow hehehe.

  19. Tenkyu segundina. Ireregalo ko kay tita Glow at nang pilahan ng mga lalaki, baka sakaling sumerender. hehe.

  20. Ang kwestyon, baka naman kahit ang may punit side ang suot ni tita glow ay magsakripisyo na lang sila huwag lang ang asawa ni mike.

  21. Baka naman iyong asawa ang manigas kapag nakatabi niya, hindi titigasan, hehehe.

  22. May regalo din ako kay kap, for the first time, isang pantalon na maong. It is made in China din pero matibay at elegante ang dating. Walang factory defect pero may kaunting hiwaga lang na bumabalot dito.
    Kapag isinuot mo ang pantalon na ito ay hindi ka puweding magsinungaling dahil kusang bababa ang zipper nito at ilalantad ang iyong pagkatao.
    May magandang katangian ito, free size ang pantalon at kahit sinong gagamit ay binabagayan.
    Siya nga pala kapag nagsinungaling ka ng tatlong beses, hindi lang ang zipper ang bumababa, ang pantalon mismo.
    Kap, kung ayaw mo ibigay mo na lang kay Joc-joc Bolante, hehehe.

  23. Isang hirit na lang. Iyang pagmumura ay dala na rin ng frustration ng isang tao sa isang bagay na sa palagay niya ay hindi na masusulusyonan. Palagay ko hindi iyong panukalang cha-cha ang pinagmumura ni Senador Roxas, iyong mga taong nagkukutsabahan para ipasa ito at mailusot kahit buong bansa ay ayaw dito. Ang kakapalan at kagarapalan ng mga taong ito ang kinaiinisan ni Senador Roxas. Baga’y wala nang sulusyon. Sagad na sa boto ang kasakiman? Nagtatanong lang hindi nagaakusa, p…. ina!
    Kap, hindi ako nagmumura ha hehehehe.

  24. At kung minsan ay dala din niyan sa kakulangan sa sex. Kung may pareng palihim na nagmumura, alam mo na, kailangan na niyang magpa-change oil, hehehe.

  25. hahhaa agree ako kay segundina… kulang lang yan sa churva… baka di pinagbigyan ni madam k noong gabi. hahha!

  26. Kapitan K

    Mayroon ka palang isang makulay at matamis na karanasan sa aming lalawigan. Isang “nakaraan sa walang kapantay na pagmamahal na inukol ng isang maganda, mayumi, at napakabait na binibini.”

    Ibulong mo nga sa akin kung anong particular na bayan yun at ang pangalan niya at nagawa kang iwanan na may sugat sa puso at siyang sanhi upang maging luhaan ka in the long of time. Baka sakaling kilala ko ang p____ inang yun!

    Pero huwag na, matagal na pala yun at ngayon ay maligaya ka na kay Tisay na siyang nagpatiwasay ng iyong buhay.

  27. May nakarating sa aking inbox na katulad ng topic at maganda ring ilipat dito kung hindi pa ninyo nabasa:

    “Putangina, ano ba ito!?!”
    by Manuel Buencamino

    Newspapers mishandled the high point of Senator Mar Roxas’ speech at the recent inter-faith rally against Charter change.

    The senator shouted, “Putangina, ano ba ito?!?” after he enumerated the scandals involving Mrs. Arroyo and her government.

    Newspapers re-spelled “Putangina” as “P_____ina” and translated it to “SOB!” so the impact and import of the senator’s rhetoric was lost.

    Everybody knows s.o.b. in capital letters is an abbreviation for “son of a bitch!” so “Putangina!” is not the same as “SOB!” The Pilipino term refers to a certain type of mother while the English word refers to the male offspring of a bitch.

    A “bitch,” according to one definition, is a female “dog, wolf, fox or otter.” In an informal and derogatory way, bitch is also “a woman whom one dislikes or considers to be malicious or unpleasant” as in: “she’s the luckiest bitch around” to describe a malicious and unpleasant woman who gets away with high crimes. “Bitch” is also used for “a thing or situation that is unpleasant or difficult to deal with” as in: “Life’s a bitch under this gangster regime.”

    The difficulty in finding an English expletive equivalent for “Putangina!” is understandable because none exists. The word is Tagalog for the Spanish exclamation, “Puta madre!” Translating it into English will produce a ridiculous oath, “whore mother” or “prostitute mother.” Some words just don’t translate well.

    At any rate, “SOB” is the wrong term because it does not approximate what the good senator wanted to convey: his utter disgust with the Gloria Arroyo administration’ s crimes.

    A better translation for the senator’s outburst would have been “What the (your preferred curse word) is going on!?!” because it would make clear that he was not describing the mother of Charter change or characterizing Charter change as a male born of a bitch.

    “Putangina, ano ba ito!?!” is actually the most logical reaction to just about anything this administration and its allies say or do.

    Things have so gotten out of hand I wouldn’t be surprised if some of Arroyo’s most loyal henchmen are thinking what Senator Roxas said out loud.

    Take the case of selective justice. An administration congressman, Bienvenido Abante, learned that National Police deputy chief for operations Geary Barias and several police superintendents went on an 11-day trip to Munich, Germany on the invitation of Rohde and Schwarz, an electronics specialist company.

    Consequently, the congressman wants to know, “Was it an official trip? If it was, then the trip should have had an authorization from the Department of the Interior and Local Government and spent for by the government. If spent for by a private person, then who and for what purpose?” Abante believes the lawmen could be liable for graft if a private person or entity “with interest in the National Police” shouldered their travel expenses.

    Abante also believes there was nothing wrong with Mrs. Arroyo accepting an invitation to golf and lunch with officials of ZTE, a Chinese company bidding for a huge government contract. Those poor unfortunate cops must be asking themselves, “Putangina, ano ba ito?”

    Going back to Senator Roxas’ speech… there is something there the Palace can legitimately bitch about: “Patayin ang Gloria-Forever Cha-cha! (Kill the Gloria-Forever Cha-cha!)”

    That rallying cry is a personal attack, it goes beyond debating Charter change purely on its merits. It paints an unflattering portrait of those in the Charter change movement.

    But in fairness to the senator, he has never said he is against the idea of improving the Constitution. All he said was he is against Gloria-Forever Cha-cha.

    Well, who in his right mind would want Gloria to rule forever? And who would be crazy enough to entrust Charter amendments to a con-ass composed of, for lack of a polite term that does not sacrifice precision, SOBs?

    “Putangina, ano ba ito!?!”

  28. P…ina Kap, baka tita ko iyong sinasabi mong nakaraan mo, hehehe. May tumandang dalaga kasi akong tita dahil hindi sila nagkatuluyan ng kanyang probinsiyanong boyfriend. Nagkalaboan something like that at maraming nakisawsaw sa eksena. Nasa tate na ang tita ko at dalaga pa rin hanggang ngayon.
    Pero hindi siguro dahil ang tita ko ay taga Baguio at hindi taga Quezon, hehehehe. LOL.

  29. Kap,
    Malapit lang ang Abra sa Ilocos Sur. Alam ko mahilig magmura ang mga taga Vigan. They call it “arkos ti dila.” Dekorasyon lang daw sa dila ang pagmumura.

  30. Ang pagmumura para sa akin ay tanda ng frustration, ngunit hindi ito dahilan para gawin palagi ang pagmumura dahil hindi ito maganda sa paningin o pandinig ng mga bata.

    Pero mayroon din akong katanungang na related sa isyu ng ating gusot sa pulitika at lipunan.May pag-asa pa bang magbago ang ating Lipunan? May pag-asa pa bang magbago ang mga Pinoy?
    Naniniwala ba kayo na ang kayabangan, katamaran, at kasakiman ay sanhi ng ating paghihirap bilang isang bansa?

    Pasyal lang kayo sa aking Klinika, libre tule ngayon para sa mga matatanda…

  31. Hindi natin talaga maiiwasang magmura. Kung pwede ngang daanin na lang sa kanta katulad nitong hinatak ko mula sa Pedestrian Observer:

    ANG PASKO KO’Y SUMABIT(Hinaing ni Bolante)
    (Tune: “Ang Pasko ay Sumapit” ni Levi Celerio)

    ang Pasko ko’y sumabit
    ngunit `di pa rin aawit
    kahit sa magdamagang hearing
    dahil, diyos ko, ako’y may feeling

    kung ako ay magsiwalat
    may tatlong pari na dadalaw
    at ang bawat isaay
    may ihahandog na dasal pang-patay

    bagong taon kala’y bagong-buhay
    humingi ng asylum du’n kay Uncle Sam
    ako ay nagsikap upang di makita
    ginawa ko para kay ma’am!

    ayaw ko talagang umawit
    balak ko lang ay tumahimik
    kalusuga’y naiipitkapag namatay,
    bagsak ko’y di sa langit
    St. Luke’s pa naman may kamahalan
    kaya inyong sundin `tong gintong aral
    kung mabubuking kayosa probinsya magtago,
    `wag nang mangibang-bayan!

  32. Allow me to post this running converation from my favorite website:

    BADANG: Pwede raw bang idemanda ang isang senador sa kanyang pagsasalita na may kasamang pagmumura ng p____ina?

    TWINKLE: We can take comfort from what has been cited favorably by our own high court which says that the government has no right to cleanse public debate to the point where it is grammatically palatable to the most squeamish among us. For, while the [F word] is perhaps more distasteful than most others of its genre, it is nevertheless often true that one man’s vulgarity is another’s lyric.

  33. Tito Joe, dapat sa Senado ay magmura din si Mar Roxas para naman maiba ang eksena. Nakakapikon na talaga iyang si Joc-joc. Napakasinungaling. Dapat siyaang sigawan ni Sen. Mar Roxas ng P….ina mo minsan habang nakatingin si Korina, hehehe. Ano kaya ang sasabihin ng hari ng mga sinungalings, hehehe.

  34. Inuman tayong lahat sa aking bahay. May bagong poste ako ngayon baka gusto ninyong makita ang mga Magong Sinungaling, hehehehe.

  35. I think this is one of thhe most significant ino
    for me.And i’m glad reading your article. But should remark on some general things,
    Thee web site style is great, the articles is really excellent : D.
    Good job, cheers


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: